AMINADO | Mga bagitong pulis, kadalasang nasasangkot sa mga anomalya

Manila, Philippines – Aminado ang Philippine National Police na mga bagitong pulis ang madalas na nasasangkot sa mga anomalya.

Kasunod na rin ito ng pagsibak ng PNP sa halos apat na raang pulis dahil sa ibat ibang kinasasangkutang katiwalian tulad ng iligal droga kung saan pinakamaraming sinibak sa pwesto ay mga PO1.

Sa interview ng RMN kay PNP spokesperson Police Chief Supt. John Bulalacao, aabot sa isang daan at tatlumpu’t siyam ang mga PO1 na sinibak


Isa sa nakikitang dahilan ni Bulalacao ay ang hindi maigting na training na natatanggap ng mga nag-aaral ng criminology o gustong maging pulis.

Bunsod nito, pinag-aaralan na ng PNP na sila na ang hahawak sa training ng mga mag-aaral na gustong magpulis.

Facebook Comments