AMINADO | MIAA, inamin ang pagkukulang sa insidente ng pagsadsad ng Xiamen air

Manila, Philippines – Aminado si MIAA General Manager Ed Monreal na may pagkukulang ang kanilang panig sa nangyaring krisis sa pagsadsad ng Xiamen Airlines sa NAIA.

Sa pagdinig ng House Committee on Transportation tungkol sa nangyaring insidente, sinabi ni Monreal na may pagkukulang sila sa pabago-bagong pag-i-isyu ng notice to airmen o NOTAM.

Nakaapekto aniya dito ang pagbibigay ng oras na palugit para maabisuhan ang mga pasahero at dahil na rin sa sama ng panahon ay hindi umubra ang mabilis na pag-aalis ng eroplano.


Nangako si Monreal na pinag-aaralan na nila ang pag-i-invest at pagbili ng mga bagong kagamitan upang agad na makaresponde sa kahalintulad na emergency.

Iminungkahi ni Monreal na panahon na rin para magtayo ng bagong airport na may dalawang runways.

Pero sinabi nito na sa kasalukuyang lokasyon ng NAIA, malabo na makapagdagdag pa dito ng runway.

Ayon naman kay DOTr Undersecretary Manuel Tamayo, isa sa tinitingnan nilang pagtatayuan ng airport ay ang proposal sa Bulacan, ang Sangley Point sa Cavite at improvement ng Clark Airport.

Facebook Comments