Zamboanga City – Inamin ng National Housing Authority (NHA) na may palpak sa disenyo ng housing units sa Zamboanga City.
Ayon kay NHA General Manager Marcelino Escalada Jr – 2014 ginawa ang mga pabahay at halos kumpleto na ang housing units maliban na lamang sa Phase 4 na kanyang inabutan nang maupo sa NHA noong June 2016.
Giit ni Escalada, inatasan na niya ang lahat ng regional managers at contractors na i-redesign ang 40% ng natitira sa phase 4 ng proyekto gayundin ang footbridge para gawin na itong kongkreto.
Kinomisyon na rin aniya niya ang housing at Technology Department para idisenyong muli ang buong pabahay para hindi na maulit na masira ang mga ito dahil isa itong permanent settlement area.
Facebook Comments