AMINADO | Paggalaw ng presyo ng bigas, hindi kayang kontrolin ngayong Kapaskuhan

Manila, Philippines – Aminado ang National Food Authority (NFA) na hindi nito pwedeng kontrolin ang presyuhan ng bigas sa merkado lalo na ngayong Kapaskuhan.

Ayon kay Rebecca Olarte, spokesperson ng NFA, labing walong bahagdan lamang ang nakamit nila sa target na local procurement ng palay.

Bunsod nito, wala silang maibigay na murang suplay ng bigas para ma- stabilized ang presyo sa merkado.


Hindi naman aniya makokontrol ng ahensya ang presyo ng bigas dahil dikta ito ng market forces.

Target ng NFA na makabili ng 3 million bags ng palay sa presyong P17 per kilogram. Pero, nagtapos na ang November, nakabili lamang ito ng 566, 121 bags.

Wala silang magawa dahil nakuha na kasi ng mga private traders ang malaking bulto ng mga aning palay na binili nila sa mas mataas na presyo.

Facebook Comments