AMINADO | Pangulong Duterte, inaming sinusubukan ang limitasyon ng publiko

Zamboanga del Sur – Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na sinusubukan niya ang limitasyon ng sambayanan sa pamamagitan ng kanyang pananalita.

Nabatid na inulan ng kritisismo ang punong ehekutibo matapos tawaging ‘estupido’ ang Diyos.

Sa talumpati nito sa oath taking ng mga punong barangay sa Zamboanga del Sur, sinabi ni Duterte na sinasadya niyang sinusubok ang hangganan ng pwede niyang sabihin sa publiko.


Muling iginiit ng Pangulo na naniniwala siya sa Diyos pero hindi niya babawiin ang pagtawag nito na ‘estupido’ ang Panginoon ng kanyang mga kritiko.

Facebook Comments