AMINADO | PDEA, inamin na talamak pa rin ang illegal drugs sa bansa

Manila, Philippine – Aminado si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na talamak pa rin ang illegal drugs sa bansa.

Sa ngayon, abot pa sa 20 libong barangay sa bansa ang infected pa ng bawal na gamot.

Para maabot ang target nito kailangan ma-neutralized ng PDEA sa iligal na droga ang 5 libong barangay kada taon sa loob ng apat na taon.


Pero sisikapin ng PDEA na bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ganap na malinis sa iligal na droga ang lahat ng barangay sa Pilipinas.

Facebook Comments