AMINADO | Problema sa iligal na droga sa bansa, mahirap talagang tapusin – ayon sa DILG at DDB

Manila, Philippines – Inamin ng Dangerous Drugs Board at ng Department of Interior and Local Government na mahirap na resolbahin ang problema sa iligal na droga sa loob ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa briefing sa Malacañang ay sinabi ni Interior and Local Government Officer in Charge Eduardo Anon a marami ang nagulat sa dami ng mga Pilipino na lulong sa iligal na droga.

Batay aniya sa datos na kanilang nakalap ay umabot sa 1.3 milyong drug addict ang boluntaryong sumuko at ngayon ay napapasailalim sa rehabilitasyon.


Hindi pa aniya kasama dito ang mga patuloy na nagtatago sa batas, nahihiyang umamin o ang mga ayaw talagang magbagong buhay.

Aminado din si Ano na umaapaw na ang mga kulungan kung saan umabot na sa 600% ang overcrowding sa buong bansa at nasa 6000 lamang ang kapasidad ng mga nakatayong rehabilitation centers sa bansa.
Sinabi din naman ni DDB Chairman Catalino Cuy na patuloy ang pagtatayo ng karagdagang treatment at rehabilitation centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Binigyang diin naman ni Anon a nakikita naman ang resulta ng pagsusumikap ng Administrasyong Duterte sa paglaban sa iligal na droga pero talanga hindi ito magagawan ng agarang solusyon sa isang magdamagan lamang.

Facebook Comments