AMINADO | PRRD, aminadong hirap ang gobyerno na kontrolin ang mining operations sa bansa

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pa rin nakokontrol ng gobyerno ang operasyon ng pagmimina sa bansa.

Ayon sa Pangulo, patuloy pa rin ang operasyon ng small scale miner sa Luzon at Mindanao.

Aniya, nababahala siya sa pwedeng sapitin ng mga minero kasunod ng nangyaring trahedya sa Itogon Benguet.


Giit ng Pangulo, kung siya ang masusunod ay ipapasara niya ang lahat ng minahan sa bansa.

Pero ang problema aniya ay may umiiral na batas para rito.

Aniya, tanging ang Kongreso lang ang maaaring makapawalang bisa sa mining law.

Sabi pa ng Pangulo, sa matagal na panahon, walang naitulong na substantial ang pagmimina sa bansa.

Facebook Comments