Manila, Philippines – Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na dumaranas pa rin siya ng sakit mula sa motorcycle accident ilang taon na ang nakakaraan.
Kasabay ng pagtanggi sa akusasyon ni Communist Party of the Phiilippines founding Chairman Jose Maria Sison na siya ay nasa comatose state, sinabi ng Pangulong Duterte na patuloy niyang nararanasan ang matinding sakit sa kanyang spinal cord.
Sa kabila nito, hindi aniya siya pinapayuhan ng kanyang doktor na uminom ng painkiller.
Sinabi pa ni Duterte na hindi rin sang-ayon ang kanyang asawang si Honeylet Avanceña na sumailalim sa siya operasyon dahil nababahala ito sa mga nakitang maling pamamaraan.
Una nang idiniin ng Pangulo kay Sison na hindi pa bumabagsak ang kanyang kalusugan kaya at magtatagal pa siya.