AMINADO | ‘Tara system’ nagpapatuloy pa rin sa BOC, pag-aamin ni Commissioner Isidro Lapeña

Manila, Philippines – Aminado si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Isidro Lapeña na nananatili ang korasyon sa ahensya.

Ayon kay Lapeña, nagpapatuloy ang ‘tara’ system sa kawanihan lalo sa mga empleyado na nasa ‘lower level’.

Batay aniya sa kanilang datos, nakakapagkolekta lamang sila ng 120,000 hanggang 180,000 pesos kada container van dahil sa patuloy na ‘tara’ system.


Ani Lapeña, mayroon pa ring mga empleyado na patuloy na nakikipagsabwatan sa mga ilang outside players.

Dagdag pa niya, marami pa ring kargamento ang nakalulusot kaya pinaiigting na niya ang intelligence unit.

Facebook Comments