Manila, Philippines – Aminado si Senate President Tito Sotto III na malabo nang maaprubahan ng kasalukuyang Kongreso ang ikalawang Tax Reform for Acceleration and Inclusion law o TRAIN 2.
Ayon kay Sotto, posible itong magkaroon ng tyansa sa susunod na Congress.
Aniya, maganda naman ang intensyon ng TRAIN 2 na bawasan ang income tax ng mga korporasyon at tanggalan ng tax incentive ang mga negosyo.
Gayunman, sabi ni Sotto, na kakailangan nito ang mabahang pag-aaral na sa ngayon ay kulang na para rito.
Matatandaang ilang senador ang inayawan ang TRAIN 2 dahil maaari itong magtaboy sa mga negosyante na magreresulta sa kawalan ng trabaho.
Sa pagbalik ng Senado at Kamara sa sesyon sa Nobyembre 12, magiging prayoridad ang panukalang budget para sa 2019 bukod sa iba pang mga nakabiting panukalang batas gaya ng rice tariffication bill.