AMINADO | Vilma Santos, planong bumalik sa showbiz

42

Manila, Philippines – Inamin ngayon ng Star of All Season na si Vilma Santos na plano niyang bumalik sa showbiz kung sakaling matapos ang kaniyang political career.

Say ni ate Vi, miss na miss na daw niyang umarte kung saan nais niyang makasama ang mga bagong leading men kung bibigyan ng isang TV or movie project.

Gusto din ni Vilma na tularan ang mga beteranong mga artista tulad nina Eddie Garcia, Gloria Romero at Susan Roces na patuloy na napapanood sa TV at nirerespeto sa mundo ng showbiz.

Kung sakali naman gawing pelikula ang kaniyang buhay, gusto ni ate Vi na gumanap ang mga kinikilalang young actresses tulad nina Julia Barreto at Kathryn Bernardo.

Facebook Comments