AMINADO | Yam Concepcion, nakakatanggap ng mga hate message dahil sa kanyang role sa isang teleserye

Manila, Philippines – Aminado ang aktres na si Yam Concepcion na nagiging personal na ang pag-atake sa kanya ng mga fans dahil sa kontra bida role niya sa isang teleserye sa Kapamilya network.

Ginagampanan ni yam ang karakter ng “isang nanlalaking asawa” dito sa isang may-asawa din tao.

Dahil dito, ilang hate message daw ang kanyang natatanggap kung saan hindi niya akalain na sobra ang galit sa kanya ang mga tao na umabot na sa personal ang pag-atake.


Bagama’t hindi umabot sa pagbabanta sa kanyang buhay, sobrang sasakit naman daw ang mga sinasabi ng mga fans, kabilang na ang salitang malandi siya.

Sa kabila nito, natutuwa naman daw si Yam dahil sa magandang reviews ng teleserye at na-aapreciate ng mga manonood ang hardwork na ibinibigay ng lahat para mapaganda ang show.

Facebook Comments