Amir ng Qatar, bibisita sa Malacañang ngayong umaga

Courtesy: Doha News

Bibisita ngayong umaga sa Palasyo ng Malacañang ang Amir ng Qatar na si his highness Sheik Tamim Bin Hamad Al -Thani.

Nakatakdang salubungin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Amis bilang bahagi ng state visit nito sa bansa.

Magkakaroon ng bilateral meeting sa pagitan ng pangulo at ni Amir Al-Thani ay gayundin ang signing at presentation of agreements.


Hindi pa naman naglabas ng detalye ang Malacañang patungkol sa mga kasunduang nakatakdang lagdaan ng Pilipinas at Qatar.

Facebook Comments