Isinusulong ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na gumamit na ng Artificial Intelligence (AI) para sa pag-aanalisa ng mga dokumentong isinusumite sa kanilang tanggapan.
Sa pagtalakay ng Senado para sa panukalang 2025 budget ng ahensya, sinabi ni AMLC Executive Director Atty. Matthew David na kukuha sila ng AI subscription na aabot sa halagang P50 million upang sa gayon ay mai-upgrade at mai-streamline ang kanilang mga documenting services.
Aniya, noong nakaraang taon pa nila sinimulan ang procurement ng mga supplies para sa kanilang AI project.
Ngayong taon aniyang ito matatapos na mangangailangan na ng subscription para maging fully operational ang proyekto.
Dagdag pa ni David, magmumula sa MDI Company na isang local company na may joint venture sa Tiger Incorporated na isang IT Company ang subscription para sa AI project.
Humihingi ang AMLC ng P364 million na budget para sa susunod na taon.