Manila, Philippines – Kinukumbinsi ngayon ng oposisyon sa Kamara ang Anti-Money Laundering Council o AMLC na ilabas na ang record kaugnay sa bank deposits ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Hinihimok ni Magdalo PL Rep. Gary Alejano ang AMLC na ilabas ang mga bank records ng Pangulo upang malaman kung totoo ang mga alegasyon ng malaking yaman laban dito.
Ang records ng Presidente ang tatapos sa matagal nang nagmumulto sa Pangulo.
Sinabi naman nina Alejano at Akbayan Rep. Tom Villarin na hindi na bago ang issue sa kwestyon sa deposito ng Pangulo.
Sinabi no Villarin na kung walang itinatago ang Pangulo ay wala siyang dapat na ikatakot at kung hindi naman dapat matakot ay wala namang dapat dahilan para hadlangan ang paglalabas ng bank records.
Facebook Comments