AMLC, Iginiit na exempted sa Data Privacy Act ang kanilang tanggapan matapos manmanan ang mga transaksyon na posibleng may kinalaman sa vote buying

Hindi maituturing na paglabag sa Data Privacy Act ang ginagawang pagbabantay ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa mga kahina-hinalang transaksyon na posibleng mayroong kinalaman sa digital vote-buying at vote selling.

Pahayag ito ni AMLC Executive Director Mel Gorgie Racela kasunod ng kanilang advisory sa mga bangko at iba pang financial insitutions na i-monitor ang transaksyon ng kanilang mga customers, at i-ulat sa AMLC ang mga red flags na kanilang makikita mula sa mga ito.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Atty. Racela na 2017 pa nang makakuha sila ng opinyon mula sa National Privacy Commission (NPC) kaugnay sa pamamahagi ng impormasyon ng AMLC sa mga kinauukulan.


Exempted aniya sa Data Privacy Act ang kanilang tanggapan, lalo’t bilang isang financial intelligence unit, mandato nila na tiyaking mananatili ang integridad ng mga bank accounts, at hindi magagamit ang Pilipinas sa money laudering ng mga salapi na nakuha mula sa iligal na paraan.

Aniya, mahirap namang gampanan ang kanilang tungkulin kung hindi sila maaaring magbahagi ng impormasyon sa mga kinauukulan.

Facebook Comments