AMLC, iniimbestigahan na ang Land Development Bank at ang mga bank deposits dito ni Chairman Andres Bautista

Manila, Philippines – Iniimbestigahan na ng Anti-Money Laundering Council o AMLC ang umano’y ill-gotten wealth o kwestyunableng malaking halaga ng salapi na idineposito ni Commission on Elections o COMELEC Chairman Andres Bautista sa mahigit 30 accounts sa Land Development Bank o LDB.

Gayunpaman, sa pagdinig ng Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies ay tumanggi si AMLC OIC Atty. Mel Georgie Racela, na ilahad ang detalye ng kanilang impormasyon dahil magiging paglabag ito sa Bank Secrecy Law.

Dahil dito ay ipapatawag ni Committee Chairman Francis Chiz Escudero si Bautista sa susunod na pagdinig at hihilingin dito ang paglalabas ng waiver para mabusisi ang impormasyon sa kanyang mga bank accounts.


Tiniyak din ni Escudero ang pagsusulong ng panukala na mag aamyenda sa bank secrecy law.

Pagdinig ay binigyang diin naman ng LDB na sumusunod ito sa banking standards at sa mga probisyon ng Anti-Money Laundering Act o AMLA.

Sa katunayan ay sinabi sa pagdinig ni LDB president and Director David Sarmiento Jr. na pinagaaralan nilang mabuti ang mga depositong mas mababa sa 500,000 pesos at nirereport nila sa AMLA kapag humigit na sa nasabing halaga.

Sa pagdinig ay sinabi naman ng National Bureau of Investigation Anti-Fraud Division Executive Director Atty. Minerva Retanal, na ang mga sequestered at surrendered companies na pinamamahalaan ng Presidential Commission on Good Government o PCGg ay mayroon ding account sa LDB.

Nabuksan aniya ang nasabing mga accounts sa LDB ng maging chairman ng PCGG si Bautista.

Facebook Comments