Friday, February 6, 2026

AMLC, may ikinakasang panibagong freeze order sa ari-arian ng mga sangkot sa anomalya sa flood control projects —ICI

Kinumpirma ng Technical Working Group (TWG) ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na may inihahandang panibagong freeze order ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) laban sa mga sangkot sa flood projects anomaly.

Hindi naman tinukoy ni ICI TWG Chairman Assistant Secretary Renato Paraiso kung sino-sino ang mga indibidwal o mga kumpanyang sakop ng ilalabas na freeze order ng AMLC.

Sinabi ni Paraiso na sa ngayon sinusuri pa ng AMLC kung sino ang mga tunay na may-ari ng mga ini-imbestigahang korporasyon.

Kinumpirma naman ni Paraiso na kabilang ang Misibis Bay Corporation sa sinisilip ngayon ng AMLC.

Sinasabing si dating Cong. Zaldy Co ay isa sa mga may-ari ng Misibis Bay Resort, Estates and Spa sa Bacacay, Albay.

Una nang kinumpirma ni Paraiso, na ang ICI ay may ini-imbestigahan ngayon na mahigit 140 indibidwal at 300 corporations na may kaugnayan sa mga katiwalian sa flood control projects.

Facebook Comments