AMLC, PACC inatasan ng Pangulo na imbestigahan ang mga nasa narco-list

Manila, Philippines – Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) at Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na imbestigahan ang 46 na pulitikong nasa kanyang narco-list.

Ito ay mapagtibay ang kaso laban sa kanila.

Ayon kay Pangulong Duterte – ang pagkakabilang ng mga ito sa narco-list ay mapapangatwiranan sa pamamagitan ng pagsasampa ng kaso sa Office of the Ombudsman.


Pahihirapan niya ang buhay ng mga nadadawit sa illegal drugs trade, kabilang ang mga pulitiko sa nalalabing tatlong taon ng kanyang termino.

Aniya, umpisa pa lamang ito ay marami pang personalidad ang papangalanan kapag natapos na itong ma-validate.

Iginiit din ng Pangulo na beripikado ang kanyang listahan.

Samantala, magsasagawa rin ng hiwalay na imbestigasyon ang Department of Justice (DOJ) hinggil sa narco-list kapag natanggap na nila ang kopya ng intelligence report mula sa DILG at PDEA.

Una nang ring sinabi ng Philippine National Police (PNP) na hindi pa sapat ang mga ebidensya para sampahan ng kasong kriminal ang mga nasa narco-list.

Facebook Comments