Freeze na ang assets at properties ng suspendidong kongresista na si Arnolfo Teves Jr.
Ito ay ayon kay Atty. Luis Anthony Warren ng Anti -Money Laundering Council, sa press briefing sa Malacañang.
Ito ay matapos na i-designate bilang terorista ng Anti -Terrorism Council (ATC) si Congressman Teves at iba pang indibidwal.
Sa press briefing sa Malacañang, kapwa inihayag nina Department of Justice (DOJ) Assistant Secretary Atty. Mico Clavano at Assistant Director National Security Council Jonathan Malaya na ang pag-freeze sa assets lamang ang implikasyon ng pag-designate kay Teves bilang terorista.
Facebook Comments