AMLC, pinababantayan sa financial institutions ang mga transaksyon na posibleng vote buying

Pinababantayan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa mga financial institution ang mga transaksyon na posibleng may kinalaman sa vote buying at selling ngayong Eleksyon 2022.

Ayon kay AMLC Executive Director Attorney Mel Georgie Racela, nagpalabas na sila ng red flag advisory sa mga bangko at mga electronic money issuer gaya ng GCash at PayMaya hinggil dito.

Aniya, ang lahat po ng financial institution ay obligado na magkaroon ng electronic monitoring system sa lahat ng transaksyon ng kanilang customer.


Dapat din aniyang magkaroon ang mga ito ng AML investigators and analysts na mag-iimbestiga o maghahanap ng mga impormasyon sa mga transaksyon ng kanilang customers.

Iginiit ni Racela na posibleng patawan ng administrative at criminal sanction ang mga financial institution na mabibigong matukoy ang mga kahina-hilang transaksyon transaksyon.

Kabilang sa mga red flag na inilabas ng AMLC sa mga electronic money issuer ang pagkakaroon ng single large cash deposit; multiple transfers and withdrawals; kahina-hinalang financial profile at paggamit ng isang indibidwal ng multiple accounts.

Facebook Comments