
Maaaring pumasok ang Anti-Money Laundering Council o AMLC sa kontrobersyal na isyu ng mga flood control projects na sinasabing kinasasangkutan ng matinding katiwalian.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, may kapangyarihan ang AMLC na magsagawa ng malalim na financial investigation sa mga kahina-hinalang transaksyon at posibleng kaso ng money laundering.
Ngunit nilinaw ng Palasyo na hindi na dapat isapubliko ng AMLC ang kanilang magiging hakbang, para hindi mabigyan ng pagkakataon ang mga sangkot na makaiwas sa imbestigasyon.
Kabilang sa kapangyarihan ng AMLC ang pagkuha ng mahahalagang dokumento at record mula sa mga bangko, pati na rin ang pagpapatupad ng asset forfeiture kung mapapatunayang ang mga ari-arian ay galing sa ilegal na pinagmulan.









