AMLC, sinabon sa pagdinig ng senado dahil sa hindi pag-aksyon sa pagbitbit ng mga chinese ng multi milyong dolyar sa bansa

Matinding sermon ang inabot ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa pagdinig ng senate blue ribbon committee na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon.

Dismayado si Gordon dahil hindi  inaaksyunan ng amlc ang report ng Bureau of Customs (BOC) kaugnay sa pagbitbit ng mga chinese sa bansa ng malalaking halaga ng salapi na malinaw na kaso ng money laundering.

Base sa report ng boc ay umaabot na sa 633-million dollars o 32-billion pesos ang halagang naipasok sa bansa ng 60 indibidual na idinaan sa airport simula noong september 2019 hanggang kagabi.


Paliwanag naman ni AMLC Executive Director Mel Racela, wala silang basehan para agad maideklara na gagamitin sa money laundering ang nasabing salapi.

Pero sabi ni Gordon, ang nabanggit na palusot ng amlc ay maaring magbunga pa sa talamak na korapsyon.

Para kay Gordon, nakakaalarma na malayang nakakapagbitbit ng malaking halaga ng salapi ang mga sindikato na maaring magamit laban sa ating national security.

Facebook Comments