Amnestiya sa mga Former Rebels, Dapat Kuning Tiyansa ng mga Nalalabi pa na Sumuko- 5ID Chief DPAO

Cauayan City, Isabela- Isa sa mga dapat ikonsidera at kuning pagkakataon ng mga nalalabi pang miyembro ng New People’s Army (NPA) na magbalik-loob sa pamahalaan ang ibinibigay na amnestiya sa mga dating rebelde.

Kasunod na rin ito ng pag-apruba ng Regional Task Force-End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) sa Cagayan Valley sa resolusyon na bibigyan ng amnesty ang walong former rebels na sumuko sa tropa ng 5th Infantry Division, Philippine Army.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Army Captain Rigor Pamittan, pinuno ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 5ID, ipinaliwanag nito na ang walong dating rebelde na inirekomenda ng RTF ELCAC sa National Amnesty Commission para mabigyan ng amnestiya ay mga katuwang ngayon ng mga kasundaluhan sa pagsugpo ng insurhensiya sa rehiyon dos.

Sa pamamagitan naman ng amnestiya, mapapawalang bisa ang mga kasong isinampa o kinakaharap ng mga dating rebelde.

Ayon pa sa opisyal, isa sa mga layunin ng pagbibigay amnesty sa mga former rebels ang mahikayat ang iba pang NPA na sumuko sa pamahalaan.

Kaugnay nito, patuloy pa ang ginagawang deliberation ng 5ID sa iba pang dating rebelde kung kaya’t inaasahan pa na madadagdagan ang walong bilang ng mga FRs na makikinabang ng amnestiya.

Facebook Comments