Pinalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ng dalawang taon ang amnestiya sa pagbabayad ng amilyar o estate tax makaraang mapaso nitong Hunyo 14, 2021.
Kasunod ito ng paglagda ni Pangulong Duterte ng Republic Act 11569 o Tax Amnesty Act of 2019 na nagpapalawig ng amnestiya sa pagbabayad ng amilyar mula June 15, 2021 hanggang June 14, 2023.
Dahil dito, inaasahang makakahinga ang publiko sa pagbabayad sa amilyar, partikular ang mga maraming lupa at ari-arian sa harap na rin ng nararanasang pandemya.
Magiging epektibo ang bagong batas 15 araw matapos na mailathala sa mga pangunahing pahayagan o sa official gazette ng gobyerno.
Inaasahang ding maglalabas ang Department of Finance (DOF) ng implementing rules and regulations (IRR) sa loob ng 60 araw para sa implementasyon ng nasabing batas.