MANILA – Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang human rights group na amnesty international.Ito’y kaugnay sa report ng grupo nito sa ‘war on drugs’ ng pamahalaan kung saan may ilang pulis ang binabayaran sa kada mapapatay na suspek sa ilegal na droga.Iginiit ng Pangulo Duterte, na may dahilan kung bakit nangyayari ang mga pagpatay.Ayon pa ng pangulo – dapat inalam muna ng amnesty international ang katotohanan bago maglabas ng ulat na kumokondena sa gobyerno.Sinabi naman ni Amnesty International Philippines Campaign Coordinator Wilnor Papa, handa silang humarap sa senado para maimbestigahan ang kanilang report.Pero nanindigan ang Pangulong Duterte na hindi basta-basta pumapatay ang kanyang gobyerno.
Facebook Comments