Amnesty International, kontra sa pagbuhay ng death penalty

Mariing tinututulan ng Global Human Rights Group na Amnesty International (AI) ang pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa.

Ayon kay AI Philippines Director Butch Olano – mas palalalain nito ang climate of impunity sa ilalim ng ipinatutupad na giyera kontra ilegal na droga.

Dagdag pa ni Olano – laganap pa rin ang extra judicial killings o EJK sa bansa.


Itinuturing nilang “state of mourning” ang SONA ni Pangulong Duterte dahil hinahayaang mamatay ang mga inosenteng bata sa gitna ng police operations.

Dapat binanggit ng Pangulo sa kanyang SONA ang pagbibigay ng hustisya sa pamilya ng libu-libong napatay at pagbibigay ng epektibong health at social services sa mga drug users.

Tiniyak ng AI na magpapatuloy ang international pressure sa kampanya kontra droga.

Facebook Comments