Amnesty Int’l, iginiit na wala silang political agenda

Iginit ng grupong Amnesty International na wala silang political agenda.

Ito ang tugon nila sa pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na pinupulitika nila ang kampanya kontra ilegal na droga ng administrasyong Duterte.

Nilinaw din ng grupo na hindi sa kanila nanggaling ang datos na nasa 27,000 ang kaso ng pagpatay.


Galing anila ito sa datos ng Philippine National Police (PNP).

Una nang sinabi ng PNP na nirerespeto nila ang Amnesty International at iba pang mga bansang bumabatikos sa war on drugs.

Facebook Comments