AMNESTY | Mosyon para sa arrest warrant laban kay Trillanes, didinggin sa Biyernes

Manila, Philippines – Sa Biyernes (September 14) na itinakda ng Makati City Regional Trial Court Branch 150 ang pagdinig hinggil sa urgent motion for warrant of arrest at hold departure order (HDO) laban kay Senator Antonio Trillanes IV.

Kasunod ito ng inihaing mosyon ng Department of Justice (DOJ) para sa kasong rebelyon na kinasangkutan ni Trillanes noong 2007.

Nag-ugat ang lahat ng ito nang ipawalang bisa ang amnestiya ni Trillanes sa bisa ng Proclamation 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Sabi ni Makati RTC Branch 150 Clerk of Court Atty. Diosfa Valencia, kailangan pa nilang pag-aralan ang mosyon ng DOJ at idaan sa due process.

Yun nga lang, kapag ang Korte Suprema na ang nagdesisyon ay kailangan nila itong sundin.

Matatandaan na naghain ng temporary restraining order ang kampo ni Trillanes sa SC para pigilan ang pag-aresto sa kanya.

Samantala, sabi naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra, welcome sa DOJ ang itinakdang pagdinig ng korte.

Facebook Comments