AMNESTY | Nakaraang administrasyon posibleng magpaliwanag ukol sa amnesty ni Sen. Trillanes

Naniniwala si Senador Richard Gordon na mayroong kailangang ipaliwanag ang nakaraang administrasyon sa pagbibigay ng amnesty kay Senador Antonio Trillanes IV.

Sa ambush interview kay Gordon sa Israel ay sinabi nito na sa kanyang pananaw ay kailangang magpaliwanag si dating Defense Secretary Voltaire Gazmin sa kung paano niya nilagdaan ang amnesty kung wala namang application si Trillanes.

Posible din naman aniyang hanggang kay dating Pangulong Noynoy Aquino umabot ang pagpapaliwanag kung mayroon itong nalalaman.


Sinabi din ni Gordon na dati ay sabay-sabay tumakbo sa Senado sila Trillanes at dating Pangulong Aquino sa Senado kaya kailangan aniya ay ipakita ng mga political party tulad ng Liberal Party na umiiral ang patakaran.

Facebook Comments