Manila, Philippines – Nakatakdang dinggin bukas (September 11) ng Korte Suprema ang petisyong inihain ni Senator Antonio Trillanes IV na kumukwestyon sa Proclamation No. 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapawalang bisa sa kanyang amnestiya.
Base sa petisyon ni Trillanes, humihiling ito ng temporary restraining order para pigilan ang pagpapatupad ng proklamasyon at ang arrest at detention orders laban sa kanya.
Isasama ang petisyon ng senador sa full court session ng kataas-taasang hukuman.
Inaasahan ding hihingan ng SC ng komento ang ehekutibo para sagutin ang petisyon ni Trillanes.
Itinakda ng due process na kailangang mapakinggan ang lahat ng panig partikular ang mga respondents sa isyu.
Sa ngayon, halos isang linggo nang nananatili sa Senado si Trillanes matapos ang pagkaka-revoke ng kanyang amnestiya.