Pinapayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga undocumented Filipino workers sa Malaysia na mag-ingat dahil sa inaasahang nationwide immigration crackdown kasunod ng pagtatapos ng amnestiya kahapon.
Sa abiso ng gobyerno ng Malaysia sa DFA wala ng extension ang Voluntary Deportation Program na inilunsad noong 2016.
Ayon kay Ambassador to Malaysia Charles Jose simula nang mag-umpisa ang amnesty program noong January 2016 5,844 ang nakapag-avail ng programa o less than 1% ng tinatayang 400,000 undocumented Filipino workers sa Malaysia.
Kasunod nito sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na nakahanda pa rin ang embahada na i-repatriate ng libre ang mga undocumented workers sa Malaysia.
Kapag nahuli maliban sa multa maaari ding makulong ang mga undocumented Filipino workers.