Kuwait – Tinatayang 5,000 mga undocumented Filipino workers ang nananatili pa sa Kuwait.
Ito ay kasunod ng pagtatapos ng alok na amnesty program ng pamahalaan ng Kuwait.
Sa isang panayam, sinabi ni Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa, na karamihan sa mga nasabing undocumented Filipino ay pawang mga tumakas sa kanilang employer at nakakuha ng mga part time jobs doon.
Anuya, nagbabakasakali ang mga ito na makakuha ng pagkakakitaan sa kabila ng malawakang crackdown ng gobyerno ng Kuwait laban sa mga undocumented na dayuhang manggagawa.
Samantala, sabi naman Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola, na mahigit sa tatlong batch pa ng mga Filipino workers ang darating sa bansa.
Aniya, aabot na sa P66.1 million ang gastos ng gobyerno para sa mga umuwing OFW at karagdagang P22.5 million para sa assistance naman sa mga ito.
Enero 29 pa dapat mag-expire ang amnesty program pero pinalawig ito ng Kuwaiti Government hanggang April 22 kasunod na rin ng request ng gobyerno ng Pilipinas.