AMNESTY PROGRAM | Higit 70 undocumented OFWs, balik Pinas

Kasunod nang pagpapalawig ng United Arab Emirates Government ng amnesty program hanggang sa December 31.

Ilan sa ating mga kababayan ang sinamantala ang nasabing programa.

Kaugnay nito 75 repatriated OFWs mula Abu Dhabi, UAE ang nakatakdang bumalik ng bansa ngayong araw.


Ang mga ito ay lulan ng Philippine Airlines flight PR-657 at nakatakdang lumapag sa NAIA Terminal 1 bago mag alas 9 ng umaga.

Agad silang aalayan ng OWWA repatriation team, mga kinatawan mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa immigration documentation at customs formalities ang mga OFWs paglapag ng paliparan.

Pagkakalooban din ang mga dadating na OFWs ng limang libong pisong paunang cash assistance.

Pansamantalang tutuloy sa OWWA shelter ang mga OFWs na walang matutuluyan dito sa Metro Manila, habang bibigyan naman ng pamasahe ang mga gustong umuwi ng kanilang probinsya.

Facebook Comments