Manila, Philippines – Dumating pasado alas 8 ng umaga ang panibagong batch ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) galing ng Kuwait.
Alas sais kwarenta ng umaga sana ang dating ng mga ito pero naantala ang kanilang flight.
Lumapag sa NAIA Terminal 1 ang 80 OFWs lulan ng Philippine Airlines Flight PR669.
Ang mga ito ay sumailalim sa pinalawig na amnesty program ng Kuwaiti Government.
Ayon sa OWWA ang dahilan ng pag uwi ng mga OFWS ay problema sa kanilang mga employers kabilang na dito ang hindi pagtanggap ng kanilang buwanang sahod, naabuso o namaltrato o di kaya’y nagtapos na ang kanilang kontrata at mga overstaying.
Asahan pa ayon sa OWWA ang pag uwi ng iba pang batch ng mga OFWs bago sumapit ang Abril a-22.
Sinalubong naman ang mga nagsiuwiang OFWS ng OWWA repatriation team at pagkakalooban din sila ng P5,000 Financial Assistance at P20,000 bilang Livelihood Assistance.