Manila, Philippines – Mahigit sa 2,000 mga Overseas Filipino Workers na ang nakabalik ng bansa simula nang magpatupad ng Amnesty Program ang Kuwaiti Government.
Sa pinakahuling tala ng DFA Office for Migrant Workers’ Affairs as of March 5, 2018, kabuuang 2,376 OFWs na ang sumailalim sa nasabing programa.
Asahan pa ayon sa DFA ang ilang batch ng mga OFWs na uuwi ng bansa bago ang Abril a-22.
Ito kasi ang petsa kung kailan magpapaso ang Amnestiya ng Kuwaiti Government.
Karamihan sa mga sumasailalim sa programa ay mga
OFWs na paso na ang working visa o mga walang dokumento at mga overstaying.
Sa panig ng POEA, pinagkakalooban nila ang mga umuwing OFWs ng 5,000 Financial Assistance at P20,000 bilang Livelihood Assistance.
Facebook Comments