Saudi Arabia – Pinalawig ng Saudi Arabia ang amnesty program para sa mga undocumented foreign workers.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) – nagbigay pa ang gobyerno ng Saudi ng isang buwan para bigyan ng pagkakataon ang mga undocumented na mga dayuhan sa kanilang bansa na makaalis ng saudi nang walang penalty o multa.
Dahil dito, hindi na muna magpapatupad ng crackdown o paghuli sa mga undocumented na mga dayuhan ang mga otoridad sa Saudi.
Sa tala ng DOLE, higit 5,000 OFW sa saudi na walang papeles ang napauwi na sa ilalalim ng amnesty program ng Saudi government.
Facebook Comments