Amparo at habeas corpus petition laban sa Anakbayan, binasura ng SC

66

Binasura ng Supreme Court (SC) ang petition for the issuance of the writs of amparo and habeas corpus na inihain ng mga magulang ng 19 years old na si Alicia Jasper Lucena laban sa youth group na Anakbayan.

Ayon sa Korte Suprema, kulang sa merito ang petisyon na inihain ng mag-asawang Francis at Relissa Lucena.

Sinabi ng Supreme Court na hindi akma ang petisyon dahil hindi naman maituturing ang kaso ni Alicia na extra legal killing o enforced disappearances.

Ito ay dahil tukoy naman ang kinaroroonan ni Alicia at siya ay nasa kustodiya ng mga opisyal ng Anakbayan.

Wala rin anilang katibayan na ang pagsama ni Alicia sa nasabing grupo ng mga kabataan ay labag sa kanyang kalooban dahil ito ay kusang sumanib sa grupo.

Nasa legal age na rin anila si Alicia na 18 anyos at siya ay may karapatan nang magdesisyon na maging independent.

Facebook Comments