Amphibious landing rehearsal, isinagawa sa Palawan

Nagsagawa ng Amphibious landing rehearsal ang Surface, Ground, at Air Components ng Joint Task Force-West sa paligid ng Brooke’s Point, Palawan kahapon May 2, 2025.

Bahagi ito ng paghahanda para sa naka-iskedyul na Amphibious Assault sa Balabac, Palawan bukas May 4 sa ilalim ng Balikatan Exercise 2025.

Ang operasyon ay bahagi ng Maritime Key Terrain Security Operations (MKTSO), isang mahalagang aspeto ng Balikatan na nakatuon sa pagbabantay sa mga estratehikong baybaying-dagat at katubigan.

Sa pamamagitan ng pagsasanay sa natatanging heograpiya ng Palawan, mas lalo pang naiintindihan ng mga tropa ang lugar at napapalakas ang kolektibong kakayahan sa depensa.

Facebook Comments