MSMEs na nasa rural areas, prayoridad na tulungan ng grupong #AhonMSMEs

Naniniwala ang grupong #AhonMSMEs na dapat maging prayoridad na tulungan ang mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) na nasa rural areas ngayong nagpapatuloy ang COVID-19 crisis.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni #AhonMSMEs spokesperson Jojo Dispo na layon ng kanilang grupo na matulungan ang mga maliliit na negosyante lalo na’t karamihan sa kanila ay kulang ang resources at nasa malalayong lugar.

Kailangan din aniya na makabangon agad ang MSMEs sa bansa dahil malaki ang kanilang parte sa pagbuhay muli sa ating ekonomiya.


Inihayag ng grupo na bukas sila sa pagtanggap ng mga gustong sumama sa kanilang inisyatibo at ilaan ang bawat mga talento at kakayanan para tulungan ang mga Pilipinong apektado ang mga negosyo.

Para sa mga nais makipag-ugnayan sa #AhonMSMEs team mag-email lamang sa AhonSME@gmail.com, sa Facebook.com/AHONSME o sa Viber sa numerong ‭0961-376-5928‬.

Facebook Comments