CAUAYAN CITY – Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Amulung Bypass Road sa Amulung, Cagayan.
Ayon kay Regional Director Reynaldo Alconcel, may haba ang nasabing daan ng 11.5 kilometers kung saan mayroon din itong apat na road lanes, 13.40 meter carriageway, at ang kongkreto nito ay may kapal na 300-millimeter.
Watch more balita here: 𝗕𝗔𝗕𝗔𝗘 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗗𝗢𝗡𝗘𝗦𝗜𝗔 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗜𝗨𝗟𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗡𝗚, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗧𝗜𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗪𝗔
Naglalayon ang nasabing proyekto upang magkaroon ng alternative route ang mga drayber at pasahero papuntang Alcala at Gattaran.
Maliban dito, nakatutulong din ang nasabing Bypass Road upang mabawasan ang mabagal na daloy ng trapiko sa National Highway.
Nagkakahalaga ng P246 million pesos ang inilaang pondo para sa proyekto sa ilalim ng 2019 to 2022 General Appropriations Act.