Amulung, Cagayan, Nakapagtala na ng Unang Kaso ng COVID-19 Positive

Nakapagtala na ng unang kaso ng COVID-19 Positive ang bayan ng Amulung, Cagayan ngayong Araw ng Linggo, Hunyo-28.

Ito ay kinumpirma ni Dr. Carlos Cortina, Provincial Health Officer ng lalawigan.

Ayon kay Dr. Cortina, ang unang kaso ng COVID-19 Positive sa nabanggit na bayan ay isang 66-anyos na babae na taga Brgy. Masical, Amulung na umuwi ng Cagayan noong Hunyo-25 mula sa Antipolo City.


Hindi pa mabatid kung paano ito nahawa bagamat wala itong anumang sintomas o asymptomatic at ngayon ay naka-quarantine sa pasilidad ng munisipyo sa Brgy. Annafatan.

Kaugnay nito ay nasa pito (7) na ang aktibong kaso ng COVID-19 Positive sa Cagayan na kinabibilangan ng tatlo (3) sa Baggao at tig-isang kaso sa bayan ng Enrile, Sta. Ana, Lal-lo at Amulung.

Facebook Comments