Amy at NPA nagkaaagupa sa North Cotabato

Nagkasagupa kahapon ang tropa ng 39th Infantry Battalion ng Philippine Atmy at New Peoples Army sa bayan ng Magpet ,Notth Cotabato. Batay sa pahayag ni Police Chief Inspector Romel Constantino, hepe ng Magpet Pnp nangyari ang bakbakan sa Sitio Kinampan, Barangay Balete dakong alas 3 ng hapon kahapon.
Sunod sunod na putok ng armas ang narinig ng mga residente dahilan para magtago ang mga ito sa loob ng kanilang bahay sa takot na tàmaan ng ligaw na bala.
Dahil sa gulo ay nag alerto ang mga tanod sa kalapit barangay tulad ng Barangay Mahongcong, ang kalapit barangay ng Balete na kilalang NPA infested area. Nangyari ang labanan isang araw matapos magdiwang ng kapistahan ang baràngay Mahongcong.
Wala pang ulat kung merong casualty sa magkabilang panig. (Amer Sinsuat)

Facebook Comments