Amyenda para sa regulasyon ng gun ownership, napapanahon na

Iginiit ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na napapanahon na para amyendahan ang 11 taon na Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Sa sponsorship speech ni Dela Rosa, binigyang diin niya na isinusulong ng panukala ang responsableng gun ownership at pagtiyak na sapat ang regulatory power ng pamahalaan sa paggawa at pagbebenta ng mga baril at bala.

Inaasahan na ang pag-amyenda sa batas ay magbibigay-daan upang higit na maging equitable at inclusive ang gun ownership sa bansa.


Kabilang sa amyenda ang pagbibigay ng kapangyarihan sa PNP chief na magtalaga ng kinatawan sa pag-iisyu ng Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR), ang pagdagdag ng mga professional na maaaring maging exempted sa requirement na pagkakaroon ng threat assessment certificate, at gagawin ng sampung taon ang validity ng license to manufacture and deal firearms.

Nilinaw naman ni Dela Rosa na hindi ito pagluluwag sa restrictions kundi ito ay para isulong ang kultura ng kaligtasan at pananagutan sa pamamagitan ng paglilinaw sa mga regulasyon at pagpapalaganap ng responsableng pagmamay-ari ng baril.

Facebook Comments