Walang katumbas na pera, bagay, o halaga ang pagmamahal ng anak sa kanilang magulang maging anuman ang estado sa buhay. ‘Yan ang ipinaramdam ng estudyanteng nagtapos ng pag-aaral para sa nakabilanggong ama.
Nitong Mayo 11, kinuwento ni Piannef San Juan ang natamasang tagumpay kahit may matinding pinagdadaanan. Ipinakita din niya ang larawan na suot ng kanyang ama ang mga medalyang natanggap.
Narito ang kabuuan post ni San Juan:
“Hindi ka ba nahihiya?”
Walang dapat ikahiya sa nangyari kay papa dahil alam ng dyos kung gaano ka kabuting tao at biktima ka lang rin ng masasamang tao.
Pa, mahal na mahal kita at kahit anong mangyari hindi ka namin iiwan. Mananatili kami sa tabi mo. Husgahan ka man ng marami wala akong pakealam dahil alam namin ang totoo na wala ka talagang kasalanan.
Pakatatag ka lang papa at dyos na ang bahala sa lahat 🙏
Para sa inyo lahat yan ❤ Mahal na mahal ko kayo ni mama at abu ❤
Umulan ng papuri mula sa mga netizens ang ibinahaging storya ni Piannef. Sinasabi ng ilan sa kanila na ipinapakita ng dalaga ang kanyang katatagan at pagiging huwarang anak. Sa kasalukuyan, mayroon 170,000 likes at 36,000 shares ang nakakaantig na post.