Anak na napagkamalang magnanakaw, binaril ng ama

1255
REPRESENTATION PHOTO FROM SHUTTERSTOCK

Laking pagsisisi ng isang tatay matapos mapatay ang anak na napagkamalan niyang kawatan sa binabantayang palaisdaan sa Tinambac, Camarines Sur, Lunes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Vrenz Rosquites, 21, na binaril ng amang si Benjamin Rosquits, Jr., 50, residente ng Barangay Bagcay.


Ayon sa pulisya, nakainom ng alak ang nakatatandang Rosquites nang magtungo sa palaisdaang pinagtatrabahuan nito bilang caretaker.

Nadatnan nito ang anak na hindi nakilala gawa umano ng kalasingan kaya agad nitong pinaputukan ng baril sa pag-aakalang magnanakaw ito.

Isinugod pa ng tatay ang anak sa ospital sa tangkang isalba ang buhay nito, subalit idineklara ring dead-on-arrival.

Nakakulong na ang nagsisising ama na nahaharap sa kasong parricide.

Facebook Comments