Anak, nagtago ng 30 oras sa kagubatan matapos barilin ang ama ng hindi kilalang lalaki

871
(Freestocks.org)

CALIFORNIA, US – Matapos masaksihan ang ginawang pagpatay sa ama, nagtago ng 30 oras ang 15-anyos nitong anak sa kagubatan.


Sa ulat ng news station KTVU, nagmamaneho noong nakaraang Biyernes ang isang pulmonary doctor na si Ari Gershman, 45, gamit ang kanyang bagong sasakyan sa Downieville kasama ang anak nang magpaputok ng baril ang isang hindi kilalang lalaki.

Pinaniniwalaan ng The Sierra County Sheriff’s Office na galit noon ang suspek matapos nitong barilin ng ibang dalawa pang inosente.

Ayon sa kanila, bandang 2 p.m. nang makatanggap sila ng tawag mula sa lugar tungkol sa dalawang biktimang nabaril ng suspek.

Agad na dinala sa isang pribadong sasakyan ang dalawa at binigyan ng medical treatment base sa report ng awtoridad.

Makalipas ang ilang sandali matapos ang insidente, nakatanggap umano sila ng tawag mula sa anak ng Greshman at sinabing binaril ang kanyang ama.

Dito na natagpuan ng pulisya ang bangkay ng naturang doktor ngunit wala sa pinangyarihan ng insidente ang anak nito.




Nagtatago pala ng halos 30 oras ang binatilyo sa Tahoe National Forest kung saan siya nakita ng rescue team.

Kaparehong araw nang mahuli rin ang suspek malapit sa pinangyarihan ng krimen.

Agad itong inaresto ngunit hindi pa naglabas uli ng impormasyon ang awtoridad.

Facebook Comments