Anak ng babaeng biktima na binaril sa loob ng bus sa Nueva Ecija, itunuturing na person of interest ng pulisya

Malalimang iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang nangyaring pamamaril sa mag-live in partner sa loob ng bus sa Carranglan, Nueva Ecija.

Ayon kay PNP Public Information Office (PIO) Chief PCol. Jean Fajardo, may tinitingnan na ang pulisya na posibleng person of interest lalo’t nagkaroon ng alitan ang babaeng biktima at ang anak nito.

Nabatid na kinasuhan ng carnapping ng biktima ang kanyang anak at kasalukuyang nakalaya matapos makapagpiyansa.


Patuloy ding sinusuri ng pulisya ang dashcam footage ng bus upang matukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na bumaril sa mga biktima.

Base sa paunang imbestigasyon, binabaybay ng bus ang national highway sa bahagi ng Barangay Minuli, Carangglan nang pumunta ang dalawang lalaki sa harapang bahagi bus.

Pagtapat sa mga biktima na magkatabing nakaupo sa unahang bahagi ng bus ay doon bumunot ng baril saka nagpaputok ang mga salarin dahil nang agarang pagkamatay ng 2 biktima.

Facebook Comments