Anak ng barangay captain sa Makati, patay sa pamamaril

342

Makati City – Patay sa shooting incident kanina sa Magallanes Ilalim Osmena, Makati City ang anak ng isang barangay captain sa lungsod.

Kinilala ang biktima na si Joven Duallo, 36 years old, driver ng public safety department, at anak ni Barangay Captain Jimmy Duallo ng Barangay Pio Del Pilar.

Ayon sa pulisya, binaril ang biktima ng riding in tandem na suspek na nakasuot ng puti na t-shirt na may blue lining.

Agad na tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Maynila matapos ang pamamaril.

Facebook Comments